Entries for November, 2006

November 18th, 2006

unang blog ko

Posted by r_i_g_e_l_13 at 08:07 AM on November 18, 2006.

wahahaha...unang blog ko ito....ever.... kaya medyo namamangha pa ako... amazing talaga...galing parang microsoft word yung kung saan ka naglalagay ng entry mo...galing...kaso nalilito pa ako kasi first year pa itinuro sa amin ang pag-edit ng html kaya hindi ko na masyadong maalala ang commands.. ngayon alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay nakatago pa ang handout ko tungkol dun.. biro mo...isang chapter yun sa book na puro mga commands...

dahil sa unang beses ko pa lamang ito...

magkukuwento muna ako tungkol sa sarili ko...

isa nga pala akong carbon-based lifeform(hango sa isa kong kaibigan)... na pumapasok sa eskuwelahan bilang isang 4th year student, araw-araw akong sumasakay ng pampublikong sasakyan papunta sa paaralang aking pinapasukan....

ang haba na ng nasusulat ko...ang galing.... hanggang ngayon naaamaze pa rin ako dahil may blog na ako... bakit nga ba ako nagpasyang magkaroon ng blog.... sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang saktong dahilan... naniniwala pa rin kasi akong mas magandang kausap mo ang isang tao ng harap-harapan kapag may gusto kang malaman tungkol sa kanya.. hindi ba't mas maganda iyon... sinasabi niya sa iyo ng directly at hindi mo lamang nababasa sa blog niya kung ano ang gusto mong malaman... kaya nga medyo malabo kung bakit akong nagpasyang magkaroon ng blog...sige yun na lamang po muna........vale....

Currently listening to: humming of the CPU
Currently reading: the story of Louis Braille
Currently watching: how what i'm typing appears on the screen
Currently feeling: pleased

November 22nd, 2006

ang daming gagawin

Posted by r_i_g_e_l_13 at 08:37 AM on November 22, 2006.

nakakainis kasi ang daming kailangang gawin para bukas at pakiramdam ko ay hindi nanaman ako matutulog ngayong araw na ito.. nakakaasar talaga...

at ang isa pang bagay na nakakapagpaasar sa akin ay kung bakit ba kasi hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa ibang tao............... papaano ba kasi nagagawa iyon........ parang awa..... sana ay may magsabi sa akin......... ang hirap talaga kasi kapag nakakulong lang sa sarili mong utak ang mga bagay-bagay..... at mayroon pang nagsabi sa akin kanina na ako daw ang tipo ng taong sinasarili ang problema....... sa totoo lang kasi ayaw kong sabihin sa ibang tao ang problema ko dahil sa natatakot ako na....... mangyari ulit yung dating nangyari noong first year........ at dahil sa ayaw ko namang pasanin ng ibang tao ang dinadala ko dahil sa mas maganda na ako na lang ang umisip sa problema ako at huwag nang mandamay pa ng ibang tao...... masama ba iyon ha? sabihin niyo nga kung masama iyon?

at tungkol nga pala dun sa pagtawa ng may mabigat kahit may pinapasan kang problema... puwede ba huwag niyong isipin kasi agad na walang problema ang isang tao kaya hindi niya alam ang pakiramdam na tumawa ng may problema....... nakakainis kasi eh........ ibig lang sabihin noon ganoon siya kagaling magpanggap na walang problema na tipong pati mga kaibigan niya hindi alam na mayroon pala...........vale..........

Currently feeling: moody