Entries for January, 2007

January 9th, 2007

ang aking pagbubulay-bulay

Posted by r_i_g_e_l_13 at 04:12 AM on January 9, 2007.

Stigmatized

by The Calling

If I give up on you I give up on me
If we fight what's true, will we ever be
Even God himself and the faith I knew
Shouldn't hold me back, shouldn't keep me from you

[Chorus:]
Tease me, by holding out your hand
Then leave me, or take me as i am
And live our lives, stigmatized

I can feel the blood rushing through my veins
When i hear your voice, driving me insane
Hour after hour day after day
Every lonely night that i sit and pray

[Chorus]

We live our lives on different sides,
But we keep together you and I
Just live our lives, stigmatized

We'll live our lives, We'll take the punches everyday
We'll live our lives I know we're gonna find our way

I believe in you
Even if no one understands
I believe in you, and i don't really give a damn
If we're stigmatized
We live our lives on different sides
But we keep together you and I
We live our lives on different sides

We gotta live our lives
Gotta live our lives
Were gonna live our lives
We're gonna live our lives, Gonna live our lives,
Stigmatized
haha. medyo nakakarelate ako sa kantang iyan ngayon.
I am in a weird situation. Gladly, it all turned out right. Well in a sense. 
It hurts a bit( at this point I am trying to lie to myself) but then it is just natural to be hurt. 
Its a relief that I have my friends with me. 
Before, when I was asked to give five of my bestfriends I can only give one or two. 
Now I can give four true friends without thinking twice or whatsoever. hehe.  
Anyway, you know who you are and I am grateful for the four of you. 
Actually, grateful is an understatement of what I feel right now.

January 23rd, 2007

haha

Posted by r_i_g_e_l_13 at 05:28 AM on January 23, 2007.

Sa mga nagbabasa ng blog ko [If there are any.], gusto ko lamang ipaalam na baka matagal-tagal rin akong hindi makakapagpost dito. Sabi nga nang iba, ang mga taong gumagamit ng blog, once nakahanap na sila ng mapagsasabihan ng kanilang problema ay nakakalimutan na na may blog nga pala sila. At saka, may gusto akong gawin ngayon sa buhay ko. Susubukin kong magsalita at sabihin ang nararamdaman ko. Susubukin ko talagang ipakilala na yung sarili ko sa inyo. Natatakot lang ako na baka lumayo kayo sa akin kapag nagpakilala ako sa inyo dahil pakiramdam ko, sobrang sama kung tao.

January 27th, 2007

sayang

Posted by r_i_g_e_l_13 at 06:40 AM on January 27, 2007.

Ako ay nanghihinayang sa dapat nakapost dito. Hay, siguro it's not meant to be. Kaya sasabihin ko na lang mismo dun sa mga taong involved yung gusto ko sanang sabihin dito.

May isang bagay pa nga pala akong pinanghihinayangan. Iyan, nagsisimula na naman akong mag-isip ng mga "What if's". Pero, paano nga kaya kung...

Haha, bibitinin ko muna kayo kasi siyempre gusto ko munang sabihin doon mismo sa taong involved. Medyo napaisip kasi ako noong nag-usap kami ni Erika noong biyernes.

May isang tao akong gustong maging kaibigan. Alam ko na kaibigan ko na siyang maituturing ngayon at sana ganoon rin ako sa kanya, kaya lamang parang may barrier pa rin sa pagitan namin. Yung dahilan, may nahihinuha na akong maaaring dahilan ngunit hindi pa ako sigurado. Dalawa kasi yung pumasok sa isipan ko na maaaring dahilan kung bakit kahit hindi namin ginugusto[o baka naman hindi ko ginugusto at ginugusto niya/ maaari rin na ginugusto ko tapos hindi naman niya ginugusto] may namumuo pa rin na harang sa pagitan namin. It may also be just my imagination. Maaaring gumagawa ako ng aking sariling multo. Yung unang dahilan ay tanggap ko na, pero yung pangalawa masakit para sa akin bilang kaibigan niya.

Gusto ko rin sabihin na I'm starting to move on. Sa mga hindi makakaintindi kung bakit eh sorry na lang kayo.haha. Sadista talaga.

Inaamin ko, masyado ko yatang nagustuhan yung idea na kapag nasaktan ka dapat malungkot ka. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nasasaktan eh. Hindi ko matukoy ang talagang dahilan. Pero ngayon alam ko na kung bakit. Nasasaktan ako bilang kaibigan. Pero hindi yun yung tinutukoy ko noong sinabi ko na "I'm starting to move on". Dahil sa pagiging malungkot ko last week muntik ko nang hindi maappreciate ang mga bagay-bagay. Mabuti na lang talaga at nandiyan sina Erika, Jean at Ian Lacsamana. Yes, I have found a new friend. Wooooooooow...hehe..  

January 28th, 2007

huhu

Posted by r_i_g_e_l_13 at 05:15 AM on January 28, 2007.

May mga oras na gusto kong bumalik sa panahon na simple palang ang lahat.

Alam mo yun, yung tipong noong bata pa tayo na kung malungkot tayo, iiyak tayo. Kung masaya, eh di tatawa tayo kung galit naman ay magwawala tayo.haha. Yung tipo ng panahon na hindi kailangang magpanggap kasi tanggap natin ang mga bagay sa kung ano sila.

Nalulungkot lang ako. Bakit kasi kailangan pang gawing komplikado ang hindi dapat. Bakit kasi may mga taong sumusunod sa mga bagay na idinidikta ng society. Kung ano yung norm... yun ba ang tawag doon?

Siguro nga mahirap ang hindi sumunod dahil sa lakas ng hatak pero kung gugustuhin natin ay kaya natin iyan. Tulad na lamang ng taong kilala ko[kilala ko nga ba yung taong iyon?], kahit nasaktan siya, nagpasya siyang iwanan na iyon. Oo, may panahon nga na nagmukmok siya sa mundo ng mga sawi, o sa sarili niyang mundo ng kalungkutan pero hindi niya hinayaan na manatili siya doon. Hindi siya pumayag na hanggang doon na lamang iyon. Mas marami pang bagay na mahalaga. Katulad ng pagkakaibigan, at handa siyang gawin ang lahat ng makakaya niya para maisalba ang pagkakaibigang iyon na pilit hinahadlangan ng typical na dapat mangyari sa mga ganoong klaseng sitwasyon. Nakalimutan yata noong taong involved yung sinabi noong kakilala ko na mas mahalaga pa para sa kanya ang pagkakaibigan kaysa sa....

Grabe, sobrang inspired ako ngayon ah. Bakit kaya?

Basta sa mga kaibigan ko, sobrang halaga niyo para sa akin.