Entries for February, 2007

February 2nd, 2007

siguro...

Posted by r_i_g_e_l_13 at 06:27 AM on February 2, 2007.

I think Erika is right. I should stop posting in this blog of mine. In other words, dapat tumigil na ako sa paggamit ng blog.

Why?

It's not that I have no use for it. In fact, it has helped me by being my way of coping with my problems. Inaamin ko, medyo naabuso ko yung blog ko kasi parang mas marami pa yata akong nasasabi sa kanya kaysa sa mga kaibigan ko. Kaya lang, kapag nasa bahay kasi ako, hindi ko naman silang puwedeng kausapin tungkol sa mga bagay na gumugulo sa akin. Ang masamang naidulot naman nito ay mas lalo lang akong naging malihim tungkol sa nararamdaman ko at mga problema ko. Natanong ko tuloy sa sarili ko, "Akala ko ba titigilan mo na iyan?" Pero narealize ko rin, eh kung nature ko talaga yun, sana tanggapin na lang noong mga tao. joke lang. Mahirap lang talaga kasing alisin sa akin, pero at least ngayon, kapag tinatanong nila ako kung ano ang gusto kong sabihin, nagsasalita na ako[medyo may improvement na]. Pero kailan kaya ako magkukusa?

Pero balik na tayo sa main topic.

Sa tingin ko yun pa almang yung talagang siguradong dahilan ko sa ngayon.

May gusto lang akong isang bagay pang sabihin.

Nakakainis talaga, masyado na akong nalulugmok sa pag-iisip ng mga malulungkot na bagay. Tingin ko nasanay lang ako na mag-isip ng mga malulungkot na bagay kaya kanina medyo weird yung pakiramdam kasi for the first time in two weeks wala akong maisip na malungkot na bagay. Alam mo yun, yung puwede talagang ikalungkot na hindi mababaw. Sorry nga pala sa mga taong hinihiritan ako. Sorry kung masyado kong dinidibdib yung joke niyo. Medyo seryoso kasi ako itong mga nakaraang linggo kaya yun.

February 15th, 2007

sorry, but I can't help it

Posted by r_i_g_e_l_13 at 07:55 PM on February 15, 2007.

May nabasa akong blog ng isang tao. At ewan ko ba, sobrang masaya ako parang sa tao na iyon dahil ang tagal ko ng hinihiling na sana kahit paano ay mabawasan ang dinadala niya at mukhang nagkakatotoo na nga.

Ngunit nang binasa ko iyon, may naisip na naman ako na medyo matagal-tagal ko na rin binaon sa ikalaliman ng baul ko. haha. Ang saya naman nito, bumabalik na naman ang dati kong problema. Pero ganoon talaga siguro ang buhay noh? Kailangan mo talagang mamimili ng bagay na paglalaanan mo ng oras na ito. Application ito ng economics. How can I allocate my scarce resources to be able to produce efficiently? [tama ba yung sinabi ko] Parang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Parati na lang kailangan kong mamili sa pagitan ng mga kaibigan, school work at pamilya ko. Sino o ano ba dapat ang paglalaanan ko ng oras. Kailan ba dapat ganito o ganiyan ang gagawin ko. Wala lang, ang hirap kasi ng ganito.