Entries for March, 2007

February 28th, 2007

...

Posted by r_i_g_e_l_13 at 10:30 PM on February 28, 2007.

Tawa na lang tayo. Hindi ko talaga alam, kahit nakikita ko na medyo ganoon nga talaga siya. Ayaw ko rin maniwala at gusto ko pang bigyan siya ng pagkakataon at tingnan talaga kung talagang makasarili siya. Ang galing kasi eh, pinagtatanggol ko pa siya kapag naiisip ko na makasarili talaga ang taong iyon. Ang gulo ko ano?

Pero nakakainis, hindi ko man lamang nakausap ang isa sa kanila. Natutuwa lang kasi ako dahil sa isang bagay.

Doon nga pala sa isa. Hindi na ako naiilang. Baka iniisip mo naiilang pa ako. Gusto kong humingi ng tawad sa iyo dahil pakiramdam ko... ano nga ba ang pakiramdam ko?

I feel that I'm not being fair with you.

Madalas wala akong sinasabi kapag mag-uusap tayo at ikaw na lamang parati ang kailangang magsimula ng pag-uusap natin. Sorry talaga kung madalas wala akong sinasabi tungkol sa mga reaksyon ko sa mga bagay-bagay. Alam kong hindi sapat ang humingi ng patawad.

I'll try my best to speak up.

Ang cute nga pala ng bangs mo Erika. ^__^

Currently listening to: commercial sa radio
Currently feeling: determined

March 7th, 2007

ang sakit sa ulo

Posted by r_i_g_e_l_13 at 05:58 AM on March 7, 2007.

Puno na ng mga mollusk ang mundo. Ang dami na ng shellfish na tao, ay mali selfish pala.

Gusto ko lang sabihin na hindi dahil sa inisip mo yung sarili mo ay selfish ka na. May mga pagkakataon talaga na kailangan mo namang isipin yung sarili mo [kunwari, hindi mo na talaga kaya]. Siguro hindi naman kasalanan iyon kapag inisip mo yung sarili mo lalo na kung nahihirapan ka na talaga.

Dahil isa akong taong madaling makalimot ng mga bagay na gusto kong sabihin, dito ko na lang ulit ilalagay.

Ikaw, sinabi ko kanina gusto kong magfocus muna sa pagiging kaibigan mo. Hindi ko ibig sabihin doon na bahala na muna yung iba kong kaibigan tapos ikaw lang yung pagtutuunan ko ng pansin. Ang ibig sabihin ko doon ay, iyon yung gusto kong pagtuunan ng pansin sa pagitan nating dalawa. Isa pa, alam mo ba kung bakit ako umiyak kanina dahil sa tinanong mo? Mahirap mamimili sa pagitan ng dalawa mong kaibigan lalo pa at sila yung dalawang pinakamalapit sa akin. Masakit iyon. At oo, mahal kita bilang kaibigan at dahil sa pag-uusap natin kanina, may kailangan akong sabihin sa iyo. Pero kakausapin na lang kita personally tungkol dito. Mayroon rin pala akong kailangang itanong sa iyo. At gusto ko rin humingi ng tawad.